Ang Gabay sa mga Baguhang Manlalaro ng Roulette

Talaan ng Nilalaman

Ang roulette ay isang sikat na laro na makikita mo sa halos lahat ng casino at maging sa mga online casino ngayon. Ito ay isang laro na nakabase sa swerte na nagpapasaya sa mga manlalaro sa buong mundo. Kung ikaw ay baguhan sa roulette dapat mong basahin itong artikulo ng LuckyHorse para sa mga impormasyon na makakatulong sayo. Ang salitang roulette ay nagmula sa salitang French na ang ibig sabihin ay maliit na gulong. Binubuo ito ng isang umiikot na gulong na may mga number sa bulsa, isang bola at isang lamesa kung saan pwedeng maglagay ng pusta ang mga manlalaro. May dalawang sikat na uri ang roulette, ang american roulette at ang european roulette.

Ang pagkakaiba nila ay ang bilang ng zero sa gulong. Ang european roulette ay may isang zero at ang american roulette ay may dalawang zero. Ang layunin ng roulette ay hulaan mo kung saang bulsa titigil ang bola pagkatapos umikot ng gulong. Ang roulette ay isang laro na puno ng kasiyahan kaya naman nagustuhan ito ng mga manlalaro, nagbibigay din sa kanila na makaranas ng kakaibang uri ng kaba kapag umiikot na ang gulong. Dahil sa simpleng laro na ito, patuloy na nagiging paborito ito ng mga manlalaro. Sa kabila ng pagiging isang laro ng swerte, ang roulette ay tuturuan ka pa din kung paano magstrategy at maging masaya habang sinusubukan ang swerte.

Ang Tungkol sa Gulong at sa Lamesa

Ang roulette ay nilalaro gamit ang gulong na may mga numero mula 1 hanggang 36 kasama ang zero. Ang gulong ay iikot at ang isang maliit na bola ay nakapatong dito. Kapag huminto ang gulong, ang bola ay mapupunta sa mga bakanteng numero. Ang lamesa ng roulette ay may koneksyon sa gulong, kung saan makikita ang mga kahon na may numero at iba pang pagpipilian sa pagtaya, dito ilalagay ng manlalaro ang kanilang mga taya bago magsimula ang laro at paikutin ang gulong. Ang bawat uri ng taya ay may katumbas na payout at odds. Ang mga numero ay nakaayos sa partikular na paraan para balanse ang laro at maiwasan ang pabor sa isang side ng gulong. Sa European roulette, ang pagkakaroon ng isang zero ay nagbibigay ng magandang odds para sa mga manlalaro at ang American roulette naman ay may dalawang zero.

Ang roulette ay isang laro ng swerte kaya naman walang siguradong paraan para manalo pero merong mga ilang estratehiya na ginagamit ng mga manlalaro para mapabuti ang pagkakataon na manalo, isa na dito ang martingale strategy, kung saan dinodoble ng manlalaro ang kanyang taya pagkatapos ng bawat talo at aasa na mababawi ang lahat ng nawalang pera sa pagkatalo kapag nanalo. Ang isang sikat na estratehiya pa ay ang Fibonacci strategy na ang mga taya ay sumusunod sa Fibonacci sequence, ang pagkakasunod sunod ng mga numero ay ang kabuuan ng dalawang naunang numero.

Mga Uri ng Pusta

Maraming uri ng pusta sa pwedeng ilagay sa roulette at narito ang ilan sa mga sikat. Para sa inside bets merong straight up na ang ibig sabihin ay tataya ka sa isang partikular na numero, split bet kung tataya ka sa dalwang magkatabing numero. Ang street bet ay ang tatlong numero sa iisang hilera, ang corner bet ang pagtaya sa apat na numero na magkakadikit at ang six line bet ang pagtaya sa anim na numero sa dalawang hilera. Para sa outside bets naman merong red or black na ang ibig sabihin ay taya mo ay kulay pula o itim na numero, ang odd or even naman ay ang taya mo na lalabas ay numero na odd o even. Ang high or low kung ang taya mo ay mataas sa 19-36 at mababa sa 1-18, ang dozens naman ay ang pagtaya mo sa unang 12 na numero(1-12), ikalawang 12 na numero (13-24) o sa ikatlong 12 na numero (25-36) at ang columns na ang ibig sabihin ay tinayaan mo ang buong hilera ng numero. Ang mga casino ay mga built in na house edge na nakakasiguro ng kanilang kita. Sa European roulette ang house edge ay madalas 2.7% at ang American roulette ay 5.26%

Tip para sa Baguhang Manlalaro

Dahil bago ka lang sa paglalaro ng roulette meron kaming mga pinagsamang mga tips para mapabuti ang iyong paglalaro. Bago magsimula ang laro dapat magtakda ka ng per ana kaya mo lang matalo. Ang roulette ay isang laro ng swerte kaya mahalaga na wag kang lalagpas sa tinakda mong budget, magkaroon ng disiplina sa limitasyon na ito para maiwasan ang pagkalugi. Kung ikaw ay bago palang sa paglalaro mas mabuting magsimula ka muna sa mga outside bets tulad ng red or black o kaya odd or even dahil mas mataas ng chance mong manalo kahit mas mababa ang payout dito.

Pag-aralan mo mabuti ang mga uri ng roulette tulad ng European at American dahil may pagkakaiba ang mga uri ng roulette at baka malito ka. Dahil nagsisimula ka palang mas magandang magsimula ka sa European roulette dahil isang zero lang meron dito, sa American roulette kasi ay may dalawang zero. Merong mga strategy para sa roulette pero palaging tandaan, hindi sigurado na mananalo ka kapag ginamit mo ang mga strategy na ito, magbibigay lang sila sayo ng karagdagang advantage para manalo pero tulad ng aming sinasabi, ang roulette ay nakabase sa swerte. Ang pangunahing layunin ng roulette ay para magsaya o maglibang. Magfocus palagi sa mas magandang karanasan sa casino para mag-enjoy at huwag gawing trabaho ang pagsusugal.

Konklusyon

Isang exciting game ang paglalaro ng roulette dahil madami itong aksyon at kasiyahan. Kahit na ito ay nakabase sa swerte dapat pa din na magkaroon ka ng kaalaman sa mga detalye ng larong ito para malaman ang tamang diskarte na makakatulong sayo na mapalakas ang chance na manalo at magkaroon ng magandang karanasan sa casino. Tandaan na palaging maglaro ng may disiplina at ituring ang laro na libangan lang.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Walang tiyak na paraan para mabawasan ang house edge dahil ang Roulette ay isang laro ng tsansa. Ang pinakamahusay na payo ay pumili ng European Roulette dahil sa mas mababang house edge.

Walang sistema ang makakapaggarantiya ng panalo sa Roulette. Ang mga sistema tulad ng Martingale, Fibonacci, at iba pa ay maaaring makatulong sa pamamahala ng iyong bankroll, ngunit hindi nila mababago ang house edge.

You cannot copy content of this page