Dumating na ang 2024 NBA Playoffs

Talaan ng Nilalaman

Ang NBA playoffs ay ang huling hakbang para malaman kung sino ang magkakampeon sa bagong season ng NBA. Meron itong apat na round na best-of-seven series na ginaganap sa pagtatapos ng regular season, tinatawag din itong postseason. Anim na teams bawat conference ang automatic na makakapasok sa playoffs at ang 7 hanggang seed sa bawat conference ay maglalaban laban muna sa play-in tournament para malaman kung sino ang dalawang team na makakapasok bawat conference at kukumpleto sa listahan. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng LuckyHorse para sa higit pang impormasyon.

Noong unang dekada, ang NBA finals ay tinuturing na hiwalay sa NBA playoffs, kaya naman bago pa magsimula ang dekada 2020 ay nilinaw na ng NBA na ang NBA finals ay kasama sa NBA playoffs kaya ang NBA playoffs ay merong 4 rounds na best-of-seven series. Ngayon, ang bagong pinag-uusapan naman ay kung ang play-in tournament ba ay parte na din ng NBA playoffs dahil ito ay ginaganap pagtapos ng regular season. Sa ngayon, wala pang formal na announcement tungkol kaya naman ang mga player stats at team stats ng play-in tournament ay nakahiwalay sa stats ng NBA playoffs.

Ginagamit ng parehong conference ang traditional bracket format. Lahat ng rounds ay best-of-seven. Ang mga series ay merong 2-2-1-1-1 format, ibig sabihin ang team na may homecourt advantage ay maghohost ng games 1,2,5 at 7 at ang kalaban naman ay maghohost ng games 3,4 at 6. Ginamit ang format na ito simula noong 2014 matapos magbotohan ang mga NBA owners na baguhin ang format mula sa 2-3-2 format kung saan ang team na may homecourt advantage ay maghohost ng games 1,2,6 at 7 at ang kalaban naman ay games 3,4 at 5.

2024 NBA Play-in Tournament

Ang NBA play-in tournament ay ang magsasabi kung anong teams ang kukumpleto ng NBA playoffs. Apat na teams ang maglalaban laban bawat conference, ang 7th hanggang 10th seed mula sa east at sa west sa pagtatapos ng regular season. Ang unang maglalaban ay ang 7th seed at ang 8th seed at kung sino ang mananalo dito ay siyang makakakuha ng 7th seed para sa playoffs ang matatalo naman at kakalabanin ang mananalo sa pagitan ng 9th seed ath 10th seed, ang matatalo dito ay tanggal na. Sa pangalawang laban, ang natalong team sa 7th/8th seed at ang nanalong team mula sa 9th/10th seed ay maglalaban para sa 8th seed at huling pwesto para sa NBA playoffs.

Ngayon taon, sa west, nagtapat ang Los Angeles Lakers at New Orleans Pelicans para paglabanan kung sino ang magiging 7th seed at nanalo dito ang Lakers. Ang Sacramento Kings at ang Golden State Warriors naman ang naglaban para malaman kung sino ang kakalabanin ng Pelicans para sa huling pwesto at nanalo dito ang Kings. Sa huling laban ng play-in tournament sa west ay pinaglabanan ng Pelicans at Kings at sa huli, nanalo dito ang Pelicans at nakuha ang huling pwesto sa NBA playoffs.

Sa east naman, unang naglaban ang Miami Heat at ang Philadelphia 76ers para malaman kung sino ang makakakuha ng 7th seed at nanalo dito ang 76ers. Maghihintay naman ang Heat sa mananalo sa pagitan ng Chicago Bulls at Atlanta Hawks. Nanalo dito ang Bulls kaya naman paglalabanan ng Bulls at Heat ang huling pwesto sa east. Sa kanilang pagtatapat ay nanalo ang Heat at kinumpleto ang NBA playoffs para sa east.

2024 NBA Playoffs Bracket

Sa pagtatapos ng regular season ang naging seeding sa west ay OKC Thunder, Denver Nuggets, Minnesota Timberwolves, Los Angeles Clippers, Dallas Mavericks at Phoenix Suns. Ang kumumpleto naman sa west ay ang Los Angeles Lakers at New Orleans Pelicans na nanggaling sa play-in tournament. Sa first round ng NBA playoffs maglalaban ang OKC Thunder at New Orleans Pelicans tapos Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks, ang mananalo sa dalawang series na ito ay sila ang magtatapat sa second round. Denver Nuggets vs Los Angeles Lakers naman tapos Minnesota Timberwolves naman konta sa Phoenix Suns, ang mananalo sa dalawang series na ito ay ang magtatapat sa second round.

Lipat naman tayo sa east, ang naging seeding dito ay Boston Celtics, New York Knicks, Milwaukee Bucks, Cleveland Cavaliers, Orlando Magic at Indiana Pacers. Ang nanalo naman sa play-in tournament sa east ay ang Philadelphia 76ers at Miami Heat. Sa first round ay maglalaban ang Boston Celtics at Miami Heat at sa kabilang series naman ay Cleveland Cavaliers at Orlando Magic, ang dalawang team na mananalo dito ay ang maglalaban sa second round. Ang Milwaukee Bucks naman ay makakalaban ang Indiana Pacers sa first round tapos New York Knicks at Philadelphia 76ers, ang mananalo sa mga series na ito ay maglalaban sa second round. Ang lahat ng rounds sa NBA playoffs ay best-of-seven series.

Rivalries

Ang pinakamagandang rivalry ngayong NBA playoffs ay ang Los Angeles Clippers vs Dallas Mavericks, sa new era ng NBA basketball, noong 2020 NBA playoffs nagtapat itong dalawang teams na ito sa first round din, nanalo ang Los Angeles Clippers, 4-2. Noong 2021 NBA playoffs muling nagtapat sa first round ang dalawang teams na ito at nanalo pa din ang Los Angeles Clippers, 4-3. Ngayong season, panalo pa din ang Los Angeles Clippers sa regular season series, 2-1.

Isa sa pinakamainit na rivaly ngayon sa west ay ang tapatang Los Angeles Lakers at Denver Nuggets. Nagtapat ang dalawang teams na ito last season sa west finals, nanalo ang Denver Nuggets, 4-0 pero kahit ganito ang naging resulta ng series ay naging mainit ang usapan. Noong 2020 NBA playoffs, nagtapat din sa west finals ang dalawang team na ito, nanalo naman ang Los Angeles Lakers, 4-1. Ngayong regular season naman, panalo ulit ang Denver Nuggets sa kanilang apat na pagtatapat. Sa makalumang panahon, Noong 2008, nagtapat ang dalawang team na ito sa first round at nanalo ang Los Angeles Lakers, 4-0. Nagpatuloy ang kanilang paglalaban sa NBA playoffs noong 2009 sa west finals, panalo na naman ang Los Angeles Lakers, 4-2.

Sa east naman, ang inaabangan na rivalry ay ang Miami Heat vs Boston Celtics. Noong 2020 nagtapat sila sa east finals at nanalo dito ang Miami Heat, 4-2. Noong 2022 nagtapat ulit sila sa east finals at dito nanalo naman ang Boston Celtics, 4-3. Muli silang nagtapat sa east finals ulit noong 2023 at nanalo na naman ang Miami Heat dito, 4-3. Sa makalumang era ng NBA playoffs, nagtapat din ang dalawang teams na ito noong 2010, 2011 at 2012. Kaya naman ka-abang abang ang tatlong rivalries na ito dahil ilang beses na silang nagtapat sa playoffs sa mga nakalipas na taon.

Konklusyon

Ang NBA playoffs ay inaabangan ng mga fans dahil exciting na mga laro dito. Ito na ang huling hakbang papunta sa NBA finals at maging kampeon. Sa katunayan, ang ibang mga fans ay nagsisimula lang manood ng NBA kapag playoffs na. Maging ang mga manlalaro ng mga teams na nakapasok sa playoffs ay naeexcite kapag nagsimula na ang postseason, nag-iiba na ang tema ng laro nila at mas lumalabas na ang kanilang mga husay sa paglalaro ng basketball.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Rich9, JB Casino, BetSo88 at Lodi Lotto. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang mga playoffs ng NBA ay karaniwang nagsisimula sa bandang Abril, ngunit maaaring magbago depende sa kasalukuyang season at iba pang mga kadahilanan. Maaring magcheck sa opisyal na website ng NBA para sa opisyal na petsa.

Oo, maaari kang maghanap ng mga live updates at balita sa mga pahayagan, websites ng sports, at social media platforms. Ang opisyal na website ng NBA ay nagbibigay din ng mga update at highlight tungkol sa mga kaganapan sa playoffs.

Karagdagang artikulo tungkol sa sports

You cannot copy content of this page