Intindihin ang mga Taya sa Craps

Talaan ng Nilalaman

Ang Craps ay isa sa mga pinaka-exciting at social game sa casino na kilala sa mabilis na takbo at ang pagkakabuo ng camaraderie sa paligid ng mesa. Para sa maraming baguhan ay pwedeng magmukhang nakakatakot dahil sa malaking hanay ng mga option sa pagtaya at komplikadong terminolohiya. Mahalaga na maintindihan ang mga taya para masulit ang karanasan sa craps table. Ang Craps ay isang laro na may maraming uri ng taya kaya mahalagang maintindihan ang bawat isa para masulit ang iyong karanasan at manalo sa laro. May mga iba pang uri ng taya na merong mas marami pang option para sa mga manlalaro. Ang pag-intindi sa bawat taya at kung paano sila gumagana ay magbibigay sa iyo ng mas maraming pagkakataon para manalo craps. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng LuckyHorse para sa higit pang detalye.

Pass Line Bet at Don’t Pass Line Bet

Ang Pass Line bet ay ang pinakakaraniwan at pinakamadaling taya sa craps. Madalas ito ang unang taya na nilalagay ng mga manlalaro sa simula ng isang round. Ang taya ay nilalagay bago ang unang roll na tinatawag na come-out roll. Kung ang shooter ay magro-roll ng 7 o 11 ay mananalo ang Pass Line bet. Kung ang shooter ay magro-roll ng 2, 3, o 12 matatalo ang Pass Line bet pero kung ang shooter ay magro-roll ng ibang numero 4, 5, 6, 8, 9, o 10, ang numerong iyon ay magiging point. Kapag na-establish na ang point ay magbabago ang layunin ng laro, ang shooter ay kailangan mag-roll ng parehong numero ng point bago mag-roll ng 7 para manalo. Kung ang 7 ay lumabas bago ang point number ay matatalo ang Pass Line bet. Ang simpleng taya na ito ay may magandang odds at paborito ng maraming manlalaro lalo na ang mga baguhan dahil madali itong intindihin at may medyo mababang house edge.

Ang Don’t Pass Line bet naman ay kabaligtaran ng Pass Line bet. Ang mga manlalaro na naglalagay ng taya sa Don’t Pass Line ay tumataya na matatalo ang shooter. Sa come-out roll, ang 2 o 3 ay maghahatid ng panalo para sa Don’t Pass Line at ang 7 o 11 ay maghahatid ng pagkatalo. Ang roll ng 12 ay tinuturing na push na ibig sabihin ay walang mananalo o matatalo. Kung ang ibang numero 4, 5, 6, 8, 9, o 10 ay lalabas, yun ay magiging point at ang manlalaro ay umaasa na ang 7 ay lalabas bago ang point number. Kung ang shooter ay magro-roll ng point ulit bago mag-roll ng 7 ay matatalo ang Don’t Pass Line bet. Ang taya na ito ay may mas magandang house edge kumpara sa Pass Line bet kaya ito ay paboritong taya para sa mga manlalarong gustong tumaya laban sa shooter.

Come Bet at Don’t Come Bet

Ang Come bet ay gumagana ng katulad sa Pass Line bet pero pwede itong ilagay pagkatapos ng come-out roll. Kapag na-establish na ang point, ang manlalaro ay pwedeng maglagay ng Come bet. Ang resulta ng taya na ito ay nakadepende sa susunod na roll ng dice. Kung ang shooter ay magro-roll ng 7 o 11 ay mananalo ang Come bet. Kung ang 2, 3, o 12 ay magro-roll ay matatalo ang Come bet. Kung ang ibang numero ay lalabas, yun ang magiging point para sa Come bet. Ang manlalaro ay umaasa na ang shooter ay mag-roll ng parehong numero bago mag-roll ng 7 para manalo ang Come bet. Ang taya na ito ay nagbigay ng isa pang pagkakataon para maglagay ng taya habang tumatakbo ang round.

Ang Don’t Come bet ay katulad ng Don’t Pass Line bet pero ito ay nilalagay pagkatapos ng pag-establish ng point. Katulad ng Don’t Pass Line bet, ang manlalaro na maglalagay ng Don’t Come bet ay tumataya laban sa shooter. Kung ang susunod na roll ay 2 o 3 ay mananalo ang Don’t Come bet. Ang roll ng 7 o 11 ay magdudulot ng pagkatalo at ang 12 ay isang push. Kung ang ibang numero ay lalabas, yun ang magiging point para sa Don’t Come bet. Katulad ng sa Don’t Pass bet, ang manlalaro ay umaasa na ang 7 ay lalabas bago ang point number para manalo ang Don’t Come bet.

Konklusyon

Ang pag-unawa sa mga taya sa craps ay mahalaga para maging masaya ang paglalaro at makagawa ng tamang desisyon sa mesa. Ang Pass Line bet at Don’t Pass Line bet ang bumubuo sa pundasyon ng laro at ang Come at Don’t Come bets ay nag-aalok ng mga pagkakataon para tumaya habang nagpapatuloy ang laro. Ang ibang mga taya tulad ng Place bets at Proposition bets ay nagdadagdag ng iba’t ibang options at excitement. Kung ikaw man ay isang baguhan o isang bihasang manlalaro, ang kaalaman sa iba’t ibang option sa pagtaya at ang kanilang mga odds ay susi sa pagpapalaki ng iyong saya at pagkakataon na manalo sa craps table.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng LuckyHorse, 7BET, Winfordbet at Rich9. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na siguradong magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website para makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang mga Proposition Bets ay isang-roll bets na may mataas na panganib.

Sa Place Bets ay pwede kang tumaya sa partikular na numero 4, 5, 6, 8, 9, o 10 na ma-roll bago ang 7.

You cannot copy content of this page